Kahit nasa ber months na, naranasan nitong Lunes ang mataas na heat index sa Dagupan City kung saan umabot ang temperatura sa 41°C.
Ayon sa tala ng PAGASA Dagupan, ang ganitong klaseng pagtaas ng heat index ay itinuturing nang nasa Extreme Caution Category.
Bandang alas dos ng hapon nang maranasan ang sobrang init na pakiramdam sa siyudad.
Ang mga commuter at mga estudyante, di rin naitanggi ang naramdamang init kung saan mas piniling manatili muna sa loob ng mga mall para magpalamig o di kaya ay nananatili muna sa mga classrooms.
Posibleng kasing makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang taong babad sa init ng sikat ng araw at posible pang mauwi sa heat stroke kung tuloy tuloy ang pagkilos o mga physical activity.
Nagbigay ng ibayong paalala at payo ang PDRRMO na ugaliing uminom ng tubig para maiwasan ang dehydration at iba pang sakit. |ifmnews
Facebook Comments