Ikinatuwa ng Public Employment Service Office o PESO sa Pasay City ang mataas na bilang ng mga na-hire on the spot sa ginanap na DZXL Radyo Trabaho Mini Job Fair sa Brgy. 184 sa Pasay City kahapon.
Umaabot kasi sa halos dalawampung mga aplikante ang hired on the spot sa naturang mini job fair.
Ito ay mula sa 7 mga kumpanya na lumahok sa job fair ng DZXL Radyo Trabaho.
Ang mga aplikanteng natanggap sa trabaho ay magkakaroon ng posisyon bilang encoder, promo dizer, helper, driver at iba pa.
Kabilang sa naturang mga kumpanya ang:
1. Network Plus Merchandising and Promo Services Corp.
2. Acabar Marketing International Inc.
3. Paramount Human Resources Multipurpose Cooperative
4. NVE Solution Manpower Services
5. Jolly Management Solutions Inc
6. Stellar Expedient Manpower Corp
7. Hernando Manpower Services
Nakiisa rin ang Maynilad, Villar Sipag at ACS Manufacturing Corporation.
Ang susunod naman na job fair ay ilulunsad ng DZXL Radyo Trabaho sa Caloocan City sa darating na Hunyo.