Mataas na insurance coverage at premium subsidy para sa hog raisers, irerekomenda ng DA kay Pangulong Duterte

Irerekomenda ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdoble sa insurance coverage o compensation sa mga magbababoy na apektado ng African Swine Flu (ASF).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar, sinabi ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, maaari nilang irekomenda ang ₱10,000 na kompensasyon sa bawat baboy at ₱14,000 para sa bawat breeder, mula sa standard na ₱5,000.

Aniya, napagkasunduan na ito ng DA, Department of Finance at ng Philippine Crop Insurance Corporation ay nakatakdang ipadala sa Malacañang.


Batay pa sa kanilang rekomendasyon, pwedeng sagutin ng pamahalaan ang insurance premium ng backyard hog raisers na may 20 baboy.

Magbabayad aniya ang pamahalaan ng ₱50 na subsidy para sa insurance premiums sa commercial hog raisers.

Pero apela naman ng Pork Producers of the Philippines na dapat ikonsidera rin ng DA ang mga hog farmers na may 30 alagang baboy.

Facebook Comments