Mataas na kalidad ng kurso para sa mga future airmen ng bansa, pinatitiyak ni PBBM

Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga tauhan ng Air Education Training Command (AETC) sa Fernando Air Base.

Dito ay inatasan ng Pangulo ang AETC na siguruhin ang mataas na kalidad ng programa ng mga kurso na kakailanganin ng Air Force, at dapat ay naaayon ito sa layunin ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon pa sa Pangulo, dapat matiyak na matatapos ng bawat estudyante ng institusyon ang kanilang mga pagsasanay.

Sa Philippine Air Force naman, ipinag-utos ng Pangulo na palawigin pa ang pakikipag-ugnayan sa AETC upang masiguro ang mga kagamitan at matugunan ang iba pang pangangailangan.

Sabi ni Pangulong Marcos, makaaasa ng buong suporta ang Air Force, mula sa pamahalaan partikular sa modernisasyon at pagpapalakas ng kanilang hanay.

Bilin din ng Pangulo sa Air Force, na manatiling tapat sa paglilingkod, at panatilihin ang tiwala at respeto ng mga Pilipino.

Facebook Comments