Mataas na kaso ng rabies, naitala sa 4 na rehiyon

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 4 na rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng mataas na kaso ng rabies.

Kabilang dito ang Regions 3, 4A, 11 at 12.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang publiko na huwag balewalain ang kagat ng hayop tulad ng sa aso.


Ang mga aso aniya na may rabies ay 100% ang case fatality rate lalo na kung ang kagat ng hayop ay sa lugar kung saan maraming ugat na siyang mabilis na pagdadaluyan ng organismo.

Nanawagan din ang DOH sa publiko na iparehistro sa lokal na pamahalaan ang kanilang alagang hayop at paturukan ng bakuna kontra rabies.

Facebook Comments