MATAAS NA LAGNAT | Palestinian President Mahmoud Abbas, isinugod muli sa ospital

Manila, Philippines – Isinugod sa ospital si Palestinian President Mahmoud Abbas.

Bago ito, idinala sa pagamutan ang 82-anyos na lider at sumalang sa minor ear surgery.

Pero sa ikatlong beses, idinala muli siya matapos magkaroon ng komplikasyon sa kanyang ear surgery at nakakaranas ng matinding lagnat.


Subalit sabi sa ilang sources, binigyan ng antibiotics si Abbas para gamutin ang kanyang pananakit sa dibdib.

Sa ngayon, sinabi ni Palestinian Chief Negotiator Saeb Erekat na nasa maayos nang kalagayan si Abbas.

Facebook Comments