Mataas na Opisyal ng CPP-NPA, Arestado sa Cagayan

59

Cauayan City, Isabela- Arestado ang itinuturing na Finance Officer ng CPP-NPA sa Cagayan sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya sa Brgy. Carupian, Baggao, Cagayan.

Kinilala ang nadakip na si Amanda Socorro y Lacaba alyas Waya/Julian, 32-anyos, may-asawa at miyembro ng West Front, Komiteng Probinsya ng Cagayan (KOMPROB), Komiteng Rehiyon – Cagayan Valley (KR-CV) ng CPP-NPA na kumikilos sa lambak ng Cagayan.


Una rito, isinilbi ng mga otoridad ang search warrant sa tahanan si Socorro dahil umano sa paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunitions at Illegal Possession of Explosives.

Kaugnay nito, nakumpiska sa tahanan ng suspek ang isang (1) unit ng M16 ARIS Colt 5.56mm assault rifle with SN 4951346; isang piraso (1) ng long plastic magazine para sa M16 rifle; isang piraso (1) ng long steel magazine para sa M16 Rifle; 20-live ammunitions ng M16 Rifle; at dalawang (2) granada.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG ang suspek na itinuturing din na mataas na kadre ng NPA.

Facebook Comments