Mataas na opisyal ng CPP-NPA na may kasong pagpatay naaresto sa Bohol

1023

Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa kanilang ikinasang operasyon sa Carlos P. Garcia, Bohol kahapon.

Sa ulat ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang nadakip na CPP-NPA official ay si Junifie Dagale, 43 anyos, na may kasong murder.

Si Dagale ay kabilang sa Intelligence Unit ng Regional Operational Command sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Committee na nag-o-operate sa Davao Region.

Sa pahayag ng militar, ang pagkakahuli kay Dagale at patunay na ang Bohol ay hindi safe na lugar para sa NPA members.

Facebook Comments