Mataas na opisyal ng National Commission of Senior Citizens, sinuspinde ng 90 na araw

Pinatawan ng 90 araw na preventive suspension ang isang mataas na opisyal ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) dahil sa iba’t ibang reklamo.

Batay sa apat na pahinang notice of discharge na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinuspinde si Commissioner Reymar Mansilungan.

Nilagdaan ni Bersamin ang suspension order noong February 2.


Ang preventive suspension ay base sa mga reklamo nina Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes at Miguelito Garcia.

Kabilang sa mga reklamo kay Mansilungan ay serious dishonesty, gross neglect of duty, grave misconduct, gross insubordination, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Nabatid na mali ang inilagay na educational attainment ni Mansilungan sa kaniyang aplikasyon bilang komisyoner ng NCSC at hindi tamang paggastos sa pondo ng bayan at iba pa.

Binigyan naman si Mansilungan ng sampung araw upang magsumite ng kaniyang paliwanag at mga ebidensiya.

Facebook Comments