Mataas na pamasahe sa eroplano, dahilan ng pagdami ng stranded OFWs sa Bahrain

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Bahrain na ang mataas na halaga ng airfare o pamasahe sa eroplano ang dahilan kung bakit stranded ng ilang buwan ang maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa.

Bunga nito, nakipagnegosasyon ang embahada sa Gulf Air para mapababa ang pamasahe sa eroplano.

Umaabot sa 138 Stranded Filipinos sa Bahrain ang nakasakay sa flight pabalik ng Pilipinas.


Kabilang dito ay mga sanggol, mga bata, overstaying Overseas Filipinos, mga buntis at may medical condition,

Napasama rin sa flight ang ilang OFWs na tapos na ang kontrata gayundin ang ilang matagal nang kinakalinga sa shelter ng Philippine Embassy.

Facebook Comments