Cauayan City, Isabela- Nakapagtala pa rin ng mataas na bilang ng panibagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 17, 2021, siyamnapu’t dalawa (92) ang bagong naitala sa probinsya habang pitumpu’t siyam (79) ang bagong nakarekober.
Mula sa bilang ng bagong kaso, ang tatlumpu’t siyam (39) ay naitala sa Lungsod ng Santiago; dalawampu (20) sa Roxas; sampu (10) sa Quirino; anim (6) sa Echague; lima (5) sa Cauayan City; tatlo (3) sa Luna; tig-dadalawa (2) sa bayan ng Cordon, Angadanan at Ramon at tig-iisa (1) sa mga bayan ng Alicia, San Isidro at Tumauini.
Sa kasalukuyan, mayroong 853 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela, at umaabot na sa 6,227 ang total confirmed cases, 5,302 rito ang gumaling at 122 ang nasawi.
Kaugnay nito, pinakamarami pa rin sa aktibong kaso ang Local Transmission na may 680; sumunod ang mga Health Workers na 127; mga miyembro ng PNP na may 23; Locally Stranded Individuals na labing siyam at isang Returning Overseas Filipino (ROFs).