MATAAS NA PRESYO NG ILANG MGA ISDA, NARARANASAN SA DAGUPAN CITY

Hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ang mataas na presyo ng ilang isda sa Dagupan City partikular sa pinakapangunahing palengke sa lungsod, sa Magsaysay Fish Market.
Bunga naman ito ng kaunting suplay na nagmumula sa Damortis at Sual na pinag-aangkatan ng mga fish vendor bunsod umano sa hindi pa pinapayagang lumaot ang mga mangingisda.
Halos lahat umano ng isda sa Magsaysay Markeet ay nagtaas sa presyo partikular ang isdang galunggong na umaabot sa 220 hanggang 240 pesos ang kada kilo nito.

Mataas din ngayon ang presyo ng mga shellfish tulad ng talaba na nasa 150 pesos na ang kada takal nito, habang ang talaba naman na naalis na sa shell ay umaabot sa 250 pesos sa magkaprehas na sukat.
Samantala, ayon sa ilang fish vendor ay kung marami naman daw ang suplay ng mga isdang kanilang benta ay mababa rin ang bigayan sa presyo para sa mga mamimili. |ifmnews
Facebook Comments