Iginiit ng Makabayan na hindi sana nahihirapan ngayon ang mga Pilipino sa sobrang taas ng presyo ng langis at mga produktong petrolyo.
Binigyang diin ng grupo na mas mura sana ang presyo ng fuel sa bansa kung wala ang mga dagdag na buwis na ipinatupad sa ilalim ng Duterte administration.
Sa ilalim kasi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ay may ipinataw pang dagdag na excise taxes sa langis na nakadagdag sa pagtaas pa ng presyo ng krudo sa world market.
Bukod pa sa excise taxes ay mayroon pang Value Added Tax ang mga produktong petrolyo.
Sa pinakahuling oil price hike, pumapalo na sa P75.99 kada litro ang presyo ng gas, P79.90 kada litro sa diesel at P84.39 per liter sa kerosene.
Facebook Comments