MATAAS NA PRESYO NG NOCHE BUENA ITEMS, DAING NG PANGASINENSE; PAG-BUDGET KAUGNAY DITO, PINAGHAHANDAAN NA

Pinaghahandaan na ng mga Pangasinense ang pagbabudget sa pagbili ng mga Noche Buena Items kasunod ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa darating na Dec 24 at 24.
Matatandaan na inihayag ng pamunuan ng Department of Trade and Industry o DTI na may pagtaas sa inilabas na price guide na mga noche buena items para sa kasalukuyang taon.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM dagupan na mga Pangasinense, hirap daw ang mga ito dahil lahat halos ng mga pangunahing pagkain tulad ng bigas, karne gulay ay nagtaasan na sa presyo.

Tiyak umano na ang tatangkilikin ng mga ito ay ang mga pasok sa kanilang budget at kung maaari ay ang may pinakamababang presyo ng mga partikular na ihahanda lamang sa Kapaskuhan.
Samantala, mananatili ang nailabas ng price guide ng mga noche buena products hanggang sa huling araw ng taong 2023 o sa madaling sabi ay wala na munang paggalaw, ang pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga nasabing produkto matapos mapakiusapan ang mga product manufacturers. | ifmnews
Facebook Comments