Mataas na presyo ng sibuyas, itinuturo ng isang senador sa cartel

Isinisisi ni Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform Chairman Senator Cynthia Villar sa mga cartel ang mataas na presyo ng sibuyas.

Giit ni Villar, taong 2013 pa lamang ay natukoy na nila ang onion cartel.

Aniya, binabarat ng mga cartel ang mga magsasaka sa kanilang ani at sila rin ang nag-aangkat ng produkto para kontrolado nila ang suplay.


Ito ang dahilan kaya nagkakaroon ng artificial demand dahilan naman para tumaas ang presyo ng sibuyas.

Samantala, hindi naman daw mapangatwiranan ang kakulangan ng suplay ng sibuyas para makapag-import ng nasabing produkto.

Para aniya ma-justify ang importasyon sa sibuyas ay dapat kakaunti lang ang suplay at mas mataas ang demand.

Mababatid na pinaplano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng 22,000 metric tons ng sibuyas para masolusyunan ang napakataas na presyo nito sa merkado.

Facebook Comments