MATAAS NA RATINGS | Tagumpay ng internal cleansing sa QCPD, nagpataas sa public perception

Manila, Philippines – Inihayag ni Chief Superintendent Guillermo Eleazar na malaki ang naitulong ng ginagawa nilang internal cleansing ang nakuhang mataas na marking o rank number one sa pinakahuling Public Perception survey ng NAPOLCOM.

Ayon kay Eleazar, mula noong July 2016, mayroon ng 110 na Ninja Cops at Kotong Cops ang naipatapon.

Nasa 500 na din na miyembro ng Station Anti Drugs ang tinanggal sa mga Drug Operations.


Nakakuha ang QCPD pinakamataas na rating sa kategorya ng Public Trust and Respect, Crime Reporting ng publiko, sa lifestyle, moral at ethics

Ang survey ay isinagawa noong October hanggang November 2017

Kabilang sa 570 respondents na tinanong ay nasa age brackets na mula 16 to 55 anyos sa may labing anim na lungsod at munisipalidad sa Metro Manila.

Kabilang sa tinanong ay mga Barangay Officials, employees, force multipliers, miyembro ng business sector, mga estudyante, guro, at religious sector.

Facebook Comments