Mataas na satisfaction rating para sa 2019 Midterm Elections, ikinalugod ng COMELEC

Ikinatuwa ng Commission on Elections (COMELEC) ang resulta ng pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey kaugnay ng naging resulta sa 2019 Midterm Elections noong Mayo.

Nabatid na lumabas sa survey na nakakuha ang poll body ng 80% satisfaction rate mula sa mga respondents na naniniwalang walang nangyaring dayaan sa halalan.

Ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abbas, matagal na silang kumpyansa na maayos ang naging halalan sa kabila ng ilang mga aberyang naranasaan.


Patunay lamang ang survey na sumasang-ayon ang publiko sa tagumpay ng nagdaang na eleksyon.

Facebook Comments