Mataas na suporta ng publiko sa war against illegal drugs ng administrasyon, welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang mataas na ratings na ibinigay ng sambayanan sa administrasyong Duterte partikulat sa laban nito sa iligal na droga.

Ito ang reaksyon ng Malacañang sa survey ng Pulse Asia kung saan makikita na halos 9 sa 10 Pilipino ang sumusuporta sa war on drugs ng adminsitrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinapakita lamang nito na pinapahalagahan ng mamamayan ang pagsisikap ng administrasyon na labanan ang krimenalidad sa bansa at maging ligtas ang bawat Pilipino.


Sinabi din naman ni Abella na nauunawaan nila ang sentimyento ng 76% ng ating mga kababayan na nangangamba ba baka magaya sila o sinoman sa kanilang mahal sa buhay kay Kian Delos Santos na pinatay ng mga pulis Caloocan ng walang kalaban-laban.
Ayon kay Abella, binigyang diin na ni Pangulong Rodrigo Duterte hindi dapat napapatay ang mga hindi nanlalaban sa mga otoridad.

Facebook Comments