MATAAS NA TARIPA | Pagbuo ng batas ukol sa pag-aangkat ng Pilipinas ng bigas sa ibang bansa, sinimulan ng dinggin sa Senado

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Senate Committee on Agricultural and Food ang pagdinig para sa paglikha ng batas kaugnay ng pag-angkat ng Plipinas ng bigas sa ibang bansa.

Ayon kay Sen. Cynthia Villar, hindi na lilimitahan ang bilang ng bigas na papasok sa bansa pero magpapataw ng mas mataas na taripa pa ng pamahalaan.

Tiniyak naman ni Villar na hihingan niya ng panig ang lahat bagi maging pinal ang bubuuing batas.


Aniya, target nilang makabuo ng batas sa unang tatlong buwan ng 2018.

Facebook Comments