Mataas na taripa sa Chinese goods, ipatutupad ni Trump

Inanunsyo ni US President Donald Trump na itataas niya ang taripang ipinapataw sa $200 billion o ₱10.3 billion na halaga ng produkto mula China ngayong linggo.

Ang anunyo ng US chief executive ay tila pagbabago ng tono, matapos sabihing may nangyayaring magandang progreso sa pag-uusap at relasyon niya kay Chinese President Xi Jinping.

Pagbaliktad din ito sa kanyang desisyon na hindi itataas sa 25% mula sa dating 10% ang Chinese goods.


Ayon kay Trump, epektibo ang tariff increase sa Biyernes, May 10.

Dagdag pa ni Trump, isusunod niya ang pagpataw din ng mataas na taripa sa $325 billion o ₱16.8 trillion na halaga ng Chinese goods.

Samantala, nakatakdang magpulong ang US at Chinese officials sa Washington ngayong linggo.

Hindi naman batid ng White House officials kung makakaapekto ang anunsyo ni Trump sa mangyayaring pag-uusap.

Facebook Comments