
Positibo ang naging reaksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtaas ng kanyang public at trust ratings pero giit niya na hindi ito dahilan para magpahinga.
Ayon sa pangulo, inaasahan ng taumbayan na tuloy-tuloy ang serbisyo ng pamahalaan sa lahat ng antas, kahit pa may bagyo o kaguluhan.
Tungkulin aniya ng mga halal na opisyal at lingkod-bayan na ipakita na seryoso silang nagtatrabaho para sa publiko at hindi lamang namumulitika.
Batay sa pinakahuling SWS survey, nasa 46% ang gross satisfaction ratings ng pangulo noong Hunyo 2025.
Mas mataas ito ng walong puntos sa kaniyang satisfaction rating kaysa noong Abril.
Facebook Comments









