Inaasahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mataas na voter turnout sa plebisito sa Maguindanao na layong hatiin ang lalawigan sa dalawa.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, posibleng mas mahigitan ang kanilang projection na 60 percent na voter turnout.
Aniya, nasa 818,790 ang mga botante para sa plebisito sa Maguindana.
Paliwanag pa ni Garcia, pinaaga nila ang paghahatid ng mga election materials sa malalayong lugar para hindi matulad sa mga naranasan nila noong mga nakaraang halalan.
Ilalabas naman ng COMELEC ang resulta ng plebisito sa Maguindanao bukas, Setyembre 18.
Hindi naman kabilang sa plebesito ang Cotabato City dahil isa na itong component city.
Facebook Comments