MATAGAL NA? | Mga militant leader, nagbanta ng malawakang protesta kapag nabigo si Pangulong Durte sa paglagda sa executive order para sa mga manggagawa

Manila, Philippines – Binalaan ng mga lider ng iba’t-ibang militanteng Samahan ng mga Manggagawa si Pangulong Rodrigo Duterte sa napipintong paglagda sa Executive Order na tutuldok sa nagaganap na endo system at kontrakwalisasyon sa hanay ng manggagawa.

Ayon kay KMU National Chairman Elmer Labog na hindi na dapat hintayin pa ng Pangulo ang Marso a-15 para ganap na isakatuparan ang pangakong Executive Order.

Paliwanag ni Labog na matagal na nilang naihain sa Pangulo ang draft ng kanilang bersyon ng Executive Order ngunit hanggang ngayon ay hindi pa niya ito nalalagdaan sa kabila na ito ay nagkaroon na ng napakaraming pagbabago sa orihinal nilang bersyon.


Pina-alalahanan din ni Labog ang Malacañang na huwag labnawan ang EO kundi gawin itong makahulugan upang maging sandata ng mga manggagawa laban sa mapang-aping sistema.

Gaya aniya ng mga pinaiiral sa malalaking korporasyon na nagtatanggal ng mga regular na manggagawa kung opisyal at kasapi ng mga Union ng manggagawa, kabilang dito ang San Miguel Corporation, Magnolia, Philippine Airlines, mga minahan at iba pang mga factory upang makaiwas, gumagamit umano ng mga agency ang mga korporasyon na sila rin ang nagmamay-ari.

Giit ng 10 iba’t-ibang militanteng grupo ng manggagawa kapag anila bigo pa rin ang Malacañang, itutuloy nila ang pagsasagawa ng Nationwide protest sa lahat ng mga tanggapan ng Department of Labor and Employment sa buong bansa.

Facebook Comments