Inaasahang makatatanggap ang mga matagal nang kawani ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ng cash incentives sa sandaling maaprubahan ang proposed Municipal Ordinance na naglalayong kilalanin ang kanilang serbisyo.
Ipinahayag ng alkalde ng bayan matapos ang flag ceremony ng bayan noong nakaraang linggo ang pagtutulungan ng mga tanggapan upang maisakatuparan ang naturang ordinansa.
Batay sa panukala, ang mga empleyadong may 10 hanggang 50 taon ng serbisyo ay tatanggap ng P500 kada taon bilang insentibo.
Ayon kay Bernadette Manangan, Administrative Officer ng Human Resources Management Office, layunin ng programa na pahalagahan ang dedikasyon at sakripisyo ng mga lingkod-bayan.
Target ng LGU na maisabatas at maipatupad ang ordinansa bago matapos ang taon.









