MATAGAL-TAGAL PA | Dagdag na sweldo sa mga guro, 2019 pa pag-uusapan sa DBM

Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na sa susunod na taon pa nila sisimulan ang pag-uusap kung magkano ang dapat na itaas sa sweldo ng mga pampublikong guro sa bansa.

Ito ang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa harap na rin ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang sweldo ng mga guro sa harap na rin ng pagtataas ng sweldo ng mga nasa unipormadong hanay.

Ayon kay Diokno, sa 2020 pa maaaring makapagpatupad ang DBM ng panibagong dagdag sahod para sa mga guro.


Paliwanag ng kalihim, ngayong tayon ay mayroong matatanggap na umento sa sahod ang mga guro sa ilalim ng ikatlong Tranch Salary Standardization Program o SSL at sa 2019 ay papasok naman aniya ang ika-4 at huling bahagi ng SSL.

Ito aniya ang dahilan kung bakit sa susunod na taon pa sisimulan ang pag-uusap kung magkano ang posibleng idagdag sa sweldo ng mga pampubikong gruro para makasabay sa sweldo ng mga doctor, nurses, abogado at iba pang propesyon na posibleng ipatupad sa 2020.

Facebook Comments