Manila, Philippines – Nagtapos na kahapon ang amnesty program ng gobyerno para sa mga hindi dokumentadong Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait.
Ayon kay Atty. John Reyes, Office of the Undersecretary for Migrant Workers ng Department of Foreign Affairs (DFA), itinuturing nilang matagumpay ang programa kahit kalahati lang ng kanilang target ang mga umuwing OFW.
Binigyan ng P10,000 ang halos 4,500 umuwing OFW para sa kanilang bagong buhay.
Enero nang magsimula ang amnestiya para sa mga OFW sa Kuwait.
Nito lang Pebrero nang ipagbawal ang pagpapadala sa mga bagong-hire na OFW sa Kuwait dahil sa mga pang-aabuso sa mga Pinoy Household Service Worker (HSW).
Una na ring sinabi ng DOLE noong Marso na maaaring bawiin na ang deployment ban para sa skilled workers pero hindi ang para sa mga HSW.