Matagumpay na final test ng hypersonic missile, ipinagmalaki ni Putin

Ibinida ni Russian President Vladimir Putin ang matagumpay na final test ng kanilang hypersonic missile.

Isinagawa nito ang pahayag sa televised meeting kasama ang mga miyembro ng kaniyang gobyerno.

Ayon kay Putin, handa na ang kanilang intercontinental “avangard” system para sa susunod na taon.


Isinagawa ang test sa silangang bahagi ng Kamchatka.

Ang hypersonic missile ay kayang lumipad ng dalawampung beses na mas mabilis na kayang higitan ang anumang defense system ng isang bansa.

Facebook Comments