Matagumpay na isinagawa ng iFM Dagupan ang Kanta Tour: Videoke Challenge kahapon sa Barangay Pantal, Dagupan City, bilang bahagi ng kanilang layuning maghatid saya, aliw, at papremyo sa mga residente.
Puno ng kantahan at halakhakan ang naturang aktibidad, kung saan masayang nakisaya ang mga mamamayan sa iba’t ibang palaro at patimpalak sa pagkanta.
Itinanghal bilang kampeon ng iFM Kanta Tour Videoke Challenge si Winnie Fernandez, habang sina Abegail Carane, Mary Grace Dasig, Juvy Miral, at Cherryl Gabatin, pawang mga residente ng Barangay Pantal ay tumanggap din ng mga papremyo.
Ang mga masusuwerteng kalahok ay nakatanggap ng cash prize, ACS products, at grocery gift packs mula sa iFM/RMN at Starwax Floor Wax na may temang “Kintab to the Max!”
Kasabay ng naturang aktibidad ay isinagawa rin ang Ma. Corina Canoy Feeding Program, kung saan namahagi ng mainit na lugaw bilang pagtugon sa pantawid gutom na almusal sa mga residente.
Layunin ng iFM Dagupan at ng RMN Network na ipagpatuloy ang ganitong mga programa upang magbigay saya, serbisyo, at inspirasyon sa komunidad, isang patunay ng kanilang malasakit sa mga mamamayang Pangasinense.









