
Ipinamalaki ni House Speaker faustino bodjie dy III ang matagumpay at kauna-unahan sa kasaysayan na bukas sa publikong deliberasyon ng bicameral conference committee sa 2026 national budget.
Sa kanyang talumpati sa plenaryo ng Kamara ay taos-pusong binati at pinasalamatan ni Dy ang mga bumubuo sa bicam panel sa pangunanguna ni Rep. Mika Suansing na syang chairperson ng committee on appropriations, Majority Leader Sandro Marcos at lahat ng kinatawan ng 20th congress.
Diin ni Dy ang isinagawang open bicam ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas bukas, mas malinaw, at mas mapagkakatiwalaang proseso ng paggawa ng pambansang budget na para sa kapakanan ng mamamyang Pilipino.
Ayon kay Dy, ang budget para sa susunod na taon na inaprubahan ng bicam ay maaaring pagkatiwalaan ng taumbayan dahil ito ay walang insertions, hindi itinago, hindi minadali, at hindi inilayo, kundi naging bukas sa mata ng publiko.









