Pinangunahan ni Governor Amado Espino III ang ‘Plantation Maintenance and Protection’ sa Barangay Cayanga sa Bugallon, Pangasinan noong ika-26 ng Enero.
Ayon kay ENRO Chief Pulido, ang aktibidad na ito ay bilang preparasyon sa kung sakaling magkaroon ng malawakang sunog sa kagubutang may dalawampung ektaryang pinangangalagaan ngayon ng DENR at Pamahalaang Panlalawigan.
Tinatayang may mahigit kumulang limang libong iba’t-ibang seedling ang naitanim sa lugar. Kasama na rito ang narra, acacia, eucalyptus at iba pa. Habang mga binhi ng ipil-ipil naman ang isinaboy sa limang ektaryang natitira.
Naglalayon ang aktibidad na pagpapanatili at pagprotekta sa Inang Kalikasan na dinaluhan ng 200 na kalahok na kinabibilangan nina Provincial Administrator Nimrod Camba, Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) chief Nathaniel Pulido, Ret. Col. Rhodyn Luchinvar O. Oro, Provincial Disaster and Risk Reduction and Management Officer ng Pangasinan, Management Service Office Chief Modesto R. Singson at Provincial Warden’s Officer na si Mr. Ferdinand T. Natividad. Kabilang din sa 200 kalahok ang mga empleyado ng munisipyo, barangay official at ilang empleyado ng pamahalaang panlalawigan.
Samantala, nakilahok din ang ang Philippine National Police at Philippine Army sa aktibidad upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.
Ulat ni Jense Rualo
Photo-credited to Province of Pangasinan fanpage