Matapos ang bird flu outbreak, bentahan ng mga manok sa pamilihan muling lumakas

Manila, Philippines – Sumigla muli ang bentahan ng mga manok sa pamilihan.

Kasunod ito ng pagtatapos ng krisis sa bird flu at pagtatanggal ng Agriculture Department ng quarantine restrictions sa pitong kilometrong radius sa bayan ng San Luis, Pampanga gayundin sa Jaen at San Isidro, Nueva Ecija.

Batay sa price monitoring ang kada kilo ng manok ay aabot sa 120 pesos.


200 hanggang 400 pesos naman ang presyo ng isang buong manok.

Habang lima hanggang walong piso ang halaga ng isang itlog.

Sa pag-aalis ng restrictions, pwede nang i-byahe ang mga poultry products patungo ng ibang destinasyon.

Pero paglilinaw ni Agriculture Sec. Manny Piñol, mananatili pa rin ang quarantine restrictions sa tatlong bayan na pasok sa isang kilometrong radius.

Ayon sa kalihim, papayagang magpalaki ng manok, itik at iba pa ang mga magsasaka pagkatapos ng 90 araw na bilang matapos gawin ang disinfection sa lugar.

Ilalatag din ng DA ang rekomendasyon para sa agarang pagbangon ng poultry industry sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments