Target ng gobyerno na magsagawa ng House-to-House Feeding Program para sa mga estudyante sa bansa habang hindi pa nagsisimula ang klase dahil sa umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19.
Kasunod ito ng inilabas na resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan aabot sa 5.2 milyong pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng pagkagutom dahil sa COVID-19.
Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles, kahit wala nang face-to-face classes, kailangan pa ring pangalagaan ang kalusugan ng mga bata.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Education (DepEd) para maihatid sa bawat bahay ang mga grocery packs at food packs na kanilang inihanda.
Maliban sa mga food baskets, namamahagi rin ang pamahalaan ng mga nutri-buns at ready-to-eat meals para sa mga pamilyang nagugutom sa kasagsagan ng community quarantine.