Matapos ang limang buwan pagkakatigil dahil sa umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19, muling palalawakin ang mga aktibidad ng pabrika sa Pilipinas.
Ito ay matapos lumabas sa isinagawang survey ng IHS Markit na lumago sa 50.2 nitong Agosto mula sa 47.3 ang Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) ng bansa.
Nangangahulugan itong nakakabawi na ang mga negosyo magmula nang ipatupad ang istriktong community quarantine nitong Marso.
Tanging ang Pilipinas lamang at ang Vietnam ang mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nakitaan ng paglago sa PMI.
Facebook Comments