Matapos ang mahigit 3 dekada; Alaska Aces, kakalas na sa PBA!

Inanunsyo ng Alaska franchise na kakalas na ito sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos ang 36 taon nito sa industriya.

Sa isang pahayag, sinabi ni Alaska Milk Corporation Chairman Fred Uytengsu na matagal nila itong pinag-isipan bago humantong sa naturang desisyon.

Ayon kay Uytengsu, bahagi ito ng kanilang plano upang ituon ang kanilang atensyon sa pagbibigay ng abot-kayang nutrisyon sa pamilyang Pilipino.


Nilinaw naman ni Alaska Aces Governor Dicky Bachmann na tatapusin ng kupunan ang nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Labis ang pasasalamat ng buong team sa kanilang loyal fans at supporters na nagpakita ng matinding suporta sa nakalipas na 36 taon.

Tahanan ang Alaska Aces sa ilang basketball legends tulad nina Johnny Abarrientos, Jojo Lastimosa at Sonny Thoss kung saan bitbit din ng franchise ang 14 championship titles at isang grandslam feat noong 1996.

Facebook Comments