Kung kamakailan ay may mga nabiktima ng scam na may kaugnayan sa pera tulad ng investment scam na naganap nito lamang sa lalawigan ng Pangasinan partikular sa bayan ng Rosales, ngayon naman, nabiktima naman ang isang Barangay Administrator sa Dagupan City dahil sa isang online scam.
Nabiktima ng online scamming si Ryan De Guzman na isang Barangay Administrator sa Tapuac, lungsod ng Dagupan kung saan nakuha sa kanya ang perang nagkakahalaga ng nasa higit limang daang libong piso.
Ang modus ng online scam; nagpanggap umanong empleyado ng isang bangko at hiningi ang ilang personal information nito sa pamamagitan ng text at pagtingin ng biktima sa account nito ay unti-unti na umanong nababawasan ang laman nito na kung saan ay matagal niyang pinag-ipunan.
Paalala naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas, huwag basta basta maniniwala sa mga nais kumuha ng mga personal information online at mas mabuti kong ico-contact mismo ang bangko para sa ma-confirm kung totoo ba ito o hindi.
Idinulog na umano ng biktima ang naturang pang-sscam sa NBI at sa bangko para sa pagsasagawa ng imbestigasyon. |ifmnews
Facebook Comments