Matapos ang paglagda BFP modernization act, mahigit 5,000 na bakanteng posisyon sa BFP, dapat mapunan

Nanawagan si Deputy Speaker Mikee Romero sa Bureau of Fire Protection (BFP) na punan na ang mahigit 5,000 unfulfilled positions ng kawanihan.

Ito ay matapos lumabas sa datos ng isinumiteng budget ng BFP sa Kongreso na sa kabuuang 35,000 approved plantilla position, mahigit 5,000 ang hindi pa napupunan.

Giit ni Romero, kasabay ng pagkakalagda sa Republic Act 11589 o BFP Modernization Act, kailangan na ng dagdag na BFP personnel sa mga munisipalidad at bayan.


Kasabay kasi ng paglaki ng populasyon ang pangangailangan sa fire protection, response at prevention lalo na sa 4th hanggang 6th class municipalities.

Tiniyak naman ng 1-PACMAN Party-list representative na maipatutupad ng tama ang BFP Modernization Act sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na pondo para sa BFP.

Sa ilalim ng 2022 proposed budget, kabuuang P26.78 billion ang hinihingi ng BFP.

Facebook Comments