Matapos ang pandemya, taunang Paskong salubong sa OFW sa NAIA, sisimulan na muli

Epektibo bukas, aarangkada na muli ang taunang Paskong salubong para sa Overseas Filipino Workers (OFW) na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) sa Lunes, bukas pangungunahan ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kick-off program ng “Paskong Salubong para sa Bagong Bayani ng Bagong Pilipinas”.

Ang nasabing aktbidad ay tradisyunal ng isinasagawa bilang pagkilala sa OFW na umuuwi ng bansa ngayong holiday season.


Bahagi ng taunang aktibidad na ito ay ang pagbibigay ng mga pasalubong sa mga OFW at loot bags para sa kanilang mga anak.

Facebook Comments