Matapos ang tensyon sa libing ni Kian, VACC kay Fr. Reyes: "Mag-usap tayo"

Manila, Philippines – Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kay Fr. Robert Reyes na magkaroon ng maayos na pag-uusap.

Ito’y matapos magkaroon ng tensyon sa pagitan nina Fr. Reyes at ilang miyembro ng VACC sa libing ni Kian Delos Santos nitong Sabado.

Sa interview ng RMN kay VACC Chairman Dante Jimenez – hindi nila maintindihan kung bakit hinataw umano ni Fr. Reyes ang mga tarpaulin na dala ng kanyang mga miyembro.


Itinanggi naman ito ni Reyes na iginiit na gusto niya lang mapanatili ang kaayusan sa libing ng binatilyo.

Iginiit ni Jimenez – dapat umasta si Fr. Reyes na naayon sa kanyang pagiging relihiyoso.

Matatandaang nagpa-blotter na ang mga miyembro ng VACC sa pulisya matapos ang insidente.

Facebook Comments