Matapos ang walong sunod-sunod na price hike – rollback sa presyo ng langis, asahan sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Makalipas ang walong sunod-sunod na oil price hike, asahan na ang rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Department of Energy, nasa P0.75 ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.55 sa diesel.

May kaltas ding P0.90 sa kerosene.


Epektibo ang rollback sa Martes pero posible pa itong magbago depende sa magiging resulta ng kalakalan bukas.

Facebook Comments