Matapos ma-bash online, Bianca Umali, nakiisa pa rin sa Instagram challenge

Ibinahagi ng aktres na si Bianca Umali ang kaniyang hot photo, kung saan nakasuot ito ng white two piece habang nasa beach.

Sa caption ni Bianca, sinabi nitong ‘’challenge accepted’’ at naka-tag ang celebrity mom at businesswoman na si Pia Magalona.

Nabatid na nakiisa ang aktres sa trending challenge ngayon na nagpapakita ng women empowerment, kung saan nagpost din ang ilang celebrities ng kanilang black and white pictures.


Matatandaang kamakailan lang ay nakatanggap ng negative comments si Bianca dahil sa kaniyang selfie photo na inupload sa kaniyang Instagram account.

Facebook Comments