Matapos mabigo sa economic Cha-Cha; political Cha-Cha, balak namang isulong ni Sen. Robin Padilla

Kung ayaw sa economic ay political Cha-Cha naman.

Ito ang pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na si Senator Robinhood Padilla matapos amining patay na ang economic charter change sa Kongreso.

Ayon kay Padilla, isusulong niya sa Senado ang term extension para sa pangulo at sa iba pang lokal na opisyal.


Nais ni Padilla na mula sa anim na taon na termino para sa Presidente ay nais niya itong gawing apat na taon at papayagan ang isang re-election.

Paliwanag ng senador, kapag mahusay ang isang pangulo ay mabilis at kulang ang kasalukuyang anim na taon na panunungkulan pero sa isang hindi magaling na Presidente ay napakatagal na pagtitiis ito para sa taumbayan.

Ang kagandahan aniya na gawing apat na taon at isang re-election para sa Presidente ay sapat na para maipagpatuloy ang mga magagandang proyekto.

Inihalimbawa ni Padilla ang mahabang termino noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan sa panahon niya naging malakas ang ekonomiya ng bansa dahil sa nagkaroon ng ‘continuity’ sa implementasyon ng mga programa at proyekto.

Facebook Comments