Matapos mabigyan ng working visa, actor-singer Tony Labrusca, back to work na!

Manila, Philippines – Back to work na ang actor-singer na si Tony Labrusca matapos na mabigyan siya ng working permit.

Agad na sumabak sa shooting ang aktor para sa isang pelikula, kasama ang writer-director na si Joey Reyes.

Una nang nalagay sa alanganin ang karera at trabaho ni Tony sa Pilipinas nang sinigawan at minura raw niya ang immigration officers sa NAIA Terminal 1 noong January 3.


Ito ay matapos na isang buwan lamang ang ibinigay sa kanyang pananatili sa bansa, gayong marami raw siyang nakapilang trabaho.

Nag-viral ang nasabing post ng netizen kaya nabatikos nang husto si Tony.

Humingi naman ng dispensa si Tony sa kanyang nagawa.

Facebook Comments