Hindi ide-deploy sa West Philippine Sea si First Lady at Auxiliary Vice Admiral Liza Araneta-Marcos.
Ito ang nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na maging miyembro ng PCG Auxiliary ang unang ginang.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na hindi idine-deploy sa aktwal na Coast Guard operations ang mga auxiliary bilang isa itong voluntary organization.
Ang tanging trabaho aniya ng mga ito ay pagsuporta sa mga coastal clean-up at humanitarian assistance.
Sa kabila nito, malaking tulong aniya ang pagsusuot ng uniporme ng PCG ng first lady upang mapalakas ang morale ng coast guard na nakatalaga sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Facebook Comments