“Masarap ang buhay sa California, kung masipag ka”
Iyan ang naging tugon ng komedyante, singer at host na si Mo Jack na kilalang impersonator ng pumanaw na komedyante at singer na si Black Jack matapos siyang pumunta sa Amerika upang manirahan at magtrabaho na sa gitna ng pandemya.
Sa interview ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ng RMN Manila, sinabi ni Mo Jack na maraming trabaho sa Amerika na pwedeng pasukan basta masipag lang maghanap.
Aniya, kahit walang diploma basta marunong ka sa trabaho ay pwedeng pasukan.
Sinabi pa ni Mo Jack, pagkatapos ng kanyang isang linggong Quarantine pagdating sa Amerika ay naghanap na agad siya ng trabaho.
Una niyang pinasok ay ang pagiging facility person sa isang ospital kahit wala siyang karanasan sa naturang trabaho.
Hindi pa rin siya tumigil sa pagtratrabaho, dahil bukod sa pagiging facility person, pinagsasabay din niya ang pagiging crew sa isang fast food restaurant.
Si Mo Jack ay nakilala sa kanyang mga larangan na humakot ng mga award tulad ng 2007 Most Outstanding Stand-Up Comedian, 2014 Most Outstanding Stand-Up Comedian Artist and Host at Best Novelty Singer of the Year 2020.