Matapos mailigtas ang 17 na bihag, natitirang bihag ng Maute Terrorist Group 26 na lang – AFP

Marawi City – Dalawangpu’t anim (26) na indibidwal nalang ang bihag ngayon ng Maute Terrorist Group sa nagpapatuloy na giyera sa lungsod ng Marawi.

Ito ang inihayag ni AFP public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo kasunod ng pagkakaligtas ng militar sa 17 mga bihag ng Maute Group kanina.

Sa ngayon, aabot na sa 1,750 ang naililigtas na sibilyan ng militar sa ika-134 araw ng gulo sa lungsod.


753 miyembro ng Maute Terrorist Group ang napapatay sa bakbakan.

Umakyat na rin sa bilang na 155 ang mga sundalo at pulis ang nagbuwis ng kanilang buhay dahil sa giyera.

Nagpapatutuloy naman ang operasyon ng militar laban sa mga terorista upang tuluyan ng matapos ang giyera at masimulan ang rehabilitasyon.

Facebook Comments