Patuloy na ipinapanalangin ng Simbahang Katolika ang mga Pilipinong nasa listahan ng mga bibitayin sa ibang bansa dahil sa iba’t ibang kaso.
Kasunod ito ng ulat na pauuwiin na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso na gumawa ng ingay dahil sa kasong drug trafficking noong 2010 at nahatulan ng bitay noong 2015 pero hindi natuloy.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Vice Chairman at Antipolo Bishop Ruperto Santos, hudyat ito ng pag-asang nakamit ni Veloso ang katarungan at muli siyang nabigyan ng pagkakataon na makapiling ang pamilya.
Sa ngayon, umaasa ang Obispo na magkakaroon na ng kapanatagan ng loob ang pamilya ni Veloso.
Nitong mga nakalipas na araw nang maglabas ng panalangin ang komisyon ng CBCP para sa potensiyal na paglilipat kay Veloso sa kulungan sa Pilipinas.