Matapos masunog ang upuan ng isang bagon ng MRT 3 – LRT 1, nagkaaberya rin!

Manila, Philippines – Bukod sa aberya sa MRT-3 matapos masunog ang upuan ng isang bagon, nakaranas rin ng maagang aberya ang mga pasahero ng LRT-1.

Ayon kay LRT-1 operations director, Engr. Rod Bolario, isang tren nila ang nawalan ng suplay ng kuryente habang nasa bahagi ng Roosevelt Station.

Kasisimula pa lamang ng operasyon ng LRT-1 kaninang umaga nang mawalan ng power ang isang tren nang ito ay paandarin.


Dahil dito, na-delay ng anim na minuto ang biyahe ng mga tren kung saan agad din namang naibalik sa normal ang operasyon.

Hinatak ang sirang tren at ibinalik sa depot para kumpunihin.

Facebook Comments