Umaasa na lang sa tip ang ilang mga driver ng taxi sa Ortigas avenue para kumita.
Ito’y dahil sa kakaunti na lang nilang kita dulot ng walang prenong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Kwento ng mga tsuper, swerte na sila sa pabente-bente hanggang sikwentang tip ng ilang mga pasahero. May ilang pasahero naman kasi na kusa nang nagbibigay dahil nauunawaan ng mga ito ang kanilang sitwasyon.
Gayunman, sinabi ng ilang tsuper na aminado silang may ilan silang kasamahan na nangongontrata na ng mga psahero.
Nabatid na sa taxi, ₱40.00 ang base fare at ₱2.00 per minute ang dagdag at ₱13.50 naman sa kada kilometro.
May ilan naman umanong pumapayag na huwag na silang mag me.tro at magkasundo na lang sa presyo
Samantala, sinabi pa ng mga driver na kung dati sa 24 na pamamasada ay ₱1,000 ang kanilang kinikita. ngayon ay ₱700 na lang sa loob ng 24 oras ang kanilang kita.