Manila, Philippines – Aminado si Labor Undersecretary Jacinto “Jing” Paras na mahihirapan na mapanagot sa batas si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa pagtanggi nito na ipatupad ang 90-day suspension laban kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang.
Sa isang news conference sa Quezon City, sinabi ni Paras na sa ngayon, maari lamang mapanagot si Morales sa pamamagitan ng impeachment.
Aniya, arogante at walang pakundangan si Morales sa pagpapairal ng selective justice dahil nagkakanlong ito sa kaniyang immunity laban sa anumang kaso.
Aniya, para mapaparusahan si Morales dapat nang kumilos si House Speaker Pantaleon Alvarez na i-endorso na ang impeachment complaint laban kay Ombudsman Morales na matagal nang nakabinbin.
Idinagdag ni Paras na hindi doctrinal ang ruling ng Supreme Court sa kapangyarihan ng Chief Executive na magdisiplina ng Deputies ng Ombudsman.
Maaari pang mabaliktad aniya ito kung mayroon talagang malinaw na batayan.
Si Paras ay isa sa mga complainant at humiling ng suspension laban kay Carandang dahil sa pag leak ng bank documents umano ni President Duterte na pinabulaanan ng Anti-Money Laundering Council.
MATAPOS TUMANGGI | Impeachment, daan para mapanagot si Ombudsman Morales sa hindi pagpapatupad ng suspensyon kay Carandang
Facebook Comments