Matapos umatras sa Phase 3 clinical trials sa Pilipinas, Sinopharm, ibebenta pa rin ang kanilang COVID-19 potential vaccine sa bansa – DOST

Hindi na ipupursige ng Chinese pharmaceutical firm na Sinopharm ang kanilang planong magsagawa ng Phase 3 clinical trials ng kanilang candidate COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), tinanggihan nila ang proposal ng Sinopharma para sa isang co-financing scheme.

Iginiit ni Montoya na nais ng pamahalaan na suportahan ang Solidarity Trials ng World Health Organization (WHO) dahil limitado lamang ang pondo ng bansa.


Sinabi ni Montoya na balak pa rin ng Sinopharm na ibenta ang kanilang COVID-19 vaccine na dine-develop.

Ang DOST-PCHRD ay naglaan ng ₱89.1 million para pondohan ang pagsasagawa ng Phase 3 clinical tirals ng COVID-19 vaccines na dine-develop ng foreign pharmaceuticals at institutions.

Ang Sinopharm ay isa sa anim na pharmaceutical companies na lumagda sa Confidentiality Data Agreement (CDA) – isang requirement bago ipasa ang datos ng Phase 1 at 2 clinical tirals sa DOST at Food and Drug Administration para ito ma-review, bago simulan ang Phase 3 vaccine trials.

Facebook Comments